Ang Linggo Ng Humanidades (H.W.) ay isang pangyayari sa Pisay na inaantabayanan ng lahat, mula sa Conan at Kilos Awit ng Freshmen, Katutubong Sayaw ng Second Years, Di-Kumbensyonal Na Musika ng Juniors at Sayaw Interpretasyon ng Fourth Years, pero mukhang pumalya kaagad ang Pisay sa pangyayaring ito at marami ang nagdusa para dito.
Una, hindi naging masaya ang mga estudyante sa kakaunting concessionaires kaisa dati, nawala raw ang Zagu, ang top stall kapag merong special events sa Pisay. Naging boring daw ang lunch dahil wala na raw silang mga stalls na pipilahan ng mahaba (seryoso ito, tanungin nyo pa sila) at yun namang ayaw sa mahahabang pila ay mas nainis dahil mas nag-uunahan ngayon ang mga taong pumila.
Ikalawa, ang pagiging OA ng COCC (advanced state ng CAT) sa mga estudyante, ayun pa sa isang kaklase, naging walang kwenta raw ang games ng H.W. dahil sinakripisyo raw ng COCC ang fun para sa organization. pinilit nilang paghintayin ang mga estudyante sa mainit na oval ng mahigit kumulang 2-3 oras ng hindi pinapayagang pumunta kahit saan man. Naging batas nila ang pagpayag lamang ng isang tao bawat batch (240 katao bawat batch) ang makalabas at bumili/umihi/etc. Isang reaksyon ng mga estudyante ay kung bakit kinailangang umupu ang mga ito sa nakakasunog-balat ng init ng araw ng 2 oras habang nasa lilim ng mga gazeebo ang mga COCC habang nagbabantay.
Naging tingin ko at ng ibang estudyante ang pagiging walang konsidirasyon ng COCC sa mga taong madaling mahimatay, may low-blood pressure at madaling dumugo ang ilong (isa na ako sa mga ito). Marami sa mga estudyante ang nakaranas ng matinding pagkahilo, pagsakit ng ulo, paglabo ng paningin at sabi ng iba ay 'pre-heat stoke syndrome ' ang nangyari. At nang ang inyong lingkod ay pumunta sa klinika upang humingi ng gamot sa sobrang pagsakit ng ulo at pagkahilo, sakita kong humigit 20 katao na ang pumunta sa klinika dahil sa pare-parehong mga sintomas, sabi ng nurse ay marami daw sa mga estudyante ang nasobrahan sa init ng araw at di raw mailabas ang nasagap na init na nagdudulot ng mga nasabing nararamdaman. Para sa akin, naging pabaya ang COCC sa health ng mga estudyante, lalo na sa may mga kakaibang reaksyon kung masyadong mainitan
Monday, September 1, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment