Wednesday, September 3, 2008

SIGAW! Piece

KAMULATAN

Ia.
Pakiramdan mo ba
Na ligtas pang lumabas
Bawat araw na dumadaan
May isa pang nasasaktan

IIa.
May batang naulila
Sa kanyang mga magulang
May sundalong di makabalik
Sa kanyang tahanan
At may isang pamilyang
Wala pang laman ang t'yan

IIIa.
Mga SONA-ng di natutupad
Pakinggan mo man
Walang patutunguhan
Bayani ng bayan
Sumusuntok na lamang
Kuraps'yon sa lipunan
Di na ba malulunasan

Chorus:
Di kailangang maghintay
Ng gumawa ng paraan
Di dapat isisi sa iba
Ang sa atin nagsimula
Kaya di dapat umupo sa tabi
Ikaw mismo ang mag-umpisa
Ang pagbabako'y sa atin magsimula

Ib.
Napapansin mo ba
Pagbabago sa mundo
Kalagayan na lumalala
naghihirap na ng husto

IIb.
Mga bayang nag-aaway
Pula na lang ang kulay
Mga batang nadadamay na
Inagawan pa ng buhay
Marami ng problema
Dumaragdag ka pa

IIIb.
Nagreklamo, walang ginagawa
Sarili mo'y tingnan
Di ka ba nakokonsensya
Mga away sa pera
Dinadaan sa giyera
Sariling kasalanan
Di na ba matatakasan

Chorus:
Di kailangang maghintay
Ng gumawa ng paraan
Di dapat isisi sa iba
Ang sa atin nagsimula
Kaya di dapat umupo sa tabi
Ikaw mismo ang mag-umpisa
Ang pagbabako'y sa atin magsimula

Bridge:
Idilat ang iyong mga mata
Di mo ba nakikita
Ang mga taong
Umiiyak (umiiyak)
Nagsusumamo
Nagdurusa
Sa iyong harapan

IIIa.
Mga SONA-ng di natutupad
Pakinggan mo man
Walang patutunguhan
Bayani ng bayan
Sumusuntok na lamang
Kuraps'yon sa lipunan
Di na ba malulunasan

Chorus:
Di kailangang maghintay
Ng gumawa ng paraan
Di dapat isisi sa iba
Ang sa atin nagsimula
Kaya di dapat umupo sa tabi
Ikaw mismo ang mag-umpisa
Ang pagbabako'y sa atin magsimula

Chorus:
Di kailangang maghintay
Ng gumawa ng paraan
Di dapat isisi sa iba
Ang sa atin nagsimula
Kaya di dapat umupo sa tabi
Ikaw mismo ang mag-umpisa
Kapayapaa'y sa atin magsimula

No comments: