Kaninang umaga, habang papauwi galing sa paghatid ng aking kapatid, nagkaroon ng matinding traffic dahil sa isang malaking butas na ginawa ng MMDA na sumakop na ng humigit kumulang kalahati ng kalye. Hindi ba nila iniisip ang magiging bunga ng kanilang mga ginawa?? Hindi man lang ba sila gumawa ng isang 'detour' plan para di magkaroon ng heavy traffic??
Sa totoo lang, naiinis ako sa mga pinaggagagawa ng MMDA sa mga kalsada rito sa Metro Manila.
Una, ang paglagay nila ng sangkatutak na 'chicken wire', yung mga pink na 'fences' (kung matatawag nyo man yung fences). Dahil sa paglalagay ng mga ito, mas nahihirapan ang mga bus na pumasok at lumabas sa mga slots na ito dahil ang laki ng bawat daan ay eksakto lamang sa isang bus. Tanda ko pa noon, naghihintay ako ng bus sa may Paramount (diyan sa may trinoma), at may isang bus na sumadsad sa konkreto dahil masyadong makipot ang daan na ginawa nila. ganoon din sa 'fences' malapit sa mga over at underpasses. Kung napansin ninyo, nilalagyan nila ang border ng main road at overpasses para 'mas maayo' raw, ngunit, (galing sa sariling ekspiryensya) ang mga ito ay hindi makita lalo na kung gabi, mas nagiging mapiligro tuloy dahil di mo nakikita kung may mababangga ka na bang pink chicken wire.
Ikalawa, ang maraming plastic at concrete barriers na kanilang pinaglalalagay sa mga u-turn slots. Kung tutuusin, sobra-sobra na ang gamit nila nito, kung nakikita ninyo, sumasakop ang u-turn area ng halos dalawang lanes dahil sa mga ito. Ang masama rito, karamihan (kung hindi lahat) ng mga barriers ay walang ilaw o reflectors man lang. Malaking peligro ito lalo na't kung gabi at nasa bandang kalagitnaan ito ng mga kalyeng may mga mabibilis na kotse.
Ikatlo siguro ang mga u-turn slots na para sa akin ay wala sa lugar. Isa na siguro dito ang napabalitang u-turn slot malapit sa ADMU. Isa ko sigurong reklamo ang u-turn slot dito sa EDSA malapit sa Congresional Ave. kung titingnan kasi, masyadong malayo ito, wala rin naman kasing katuturan kung ilalayo ito dahil wala naman ibang kalye na makikita sa area na iyon.
Ika-apat ang ginawa nilang pagtanggal ng mga 'sign cards' sa mga bus at jeep. Ayon sa kanila, hindi raw nakikita ng mga tsuper ang kalsada dahil sa mga ito, at naging dahilan na daw ito ng mga banggaan. Ang sa akin naman eh masyadong maliliit ang mga ito at kung tutuusin, masyado na ngang nakaharap ang driver sa kalye. Isa pa rito ay mahihirapan ang mga mananakay malaman kung ano ang ruta ng mga bus at jeep. Bakit, paano na kaya kung sa maling bus ka napasakay, eh di mas naabala pa ka, ang alternative siguro ay ilagay nila ang mga karatula kahit man lang sa bandang ibaba ng kanilang mga wind shield, hindi na naman siguro nito mahahadlangan ang view ng mga driver.
Ang masasabi ko lang kasi eh kung gagawa sila ng mga hakbang, wag lang nilang tingnan ang mga pros nito kundi pati cons, dahil karamihan ng mga stuper at mananankay na aking naririnig ay nagagalit sa mga poroyektong ginagawa ng MMDA.
Friday, September 19, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment