Sa wakas, naging makatao rin ang Humanities Week, para sa akin, naging maayos ang sistema at walang nangyaring malalaking aberya; magaganda rin ang mga napili nilang ACLE (Alternative Class Room Experience) classes.
Kahit di ako masyado boto para sa aming ACLE FORA, masasabi kong napapanahon ito at makatutulong sa mga estudyante, ang aming ACLE na pinamagatang I KEEP LOVE REAL ay isang forum ukol sa love, relationships, knowing your self more, marriage at pagtatalik; naging positibo ang tingin ko rito dahil nauuso na nga ang mga cases ng early marriages, maaagang pagtatalik at abortion, dahil rito, na-enlighten kami uko, sa mga bagay-bagay na ito.
Kung Selected ACLE naman ang pag-uusapan, napaka-gaganda ng mga selections nila this year kaso nga lang, para namang bitin, iisa lamang ang pwede mong puntahan, mas ma-eenjoy siguro namin kung 2, kahit magkasunod. Iilan na rito ang movie at book discussions, alibata, sign language classes, photo at video editing, computer animation, at iba't-ibang cooking related subjects: ang science nito, 'special formulas' para sa masarap na kape, pizza, lomi, taekwondo, diving at etc.
Ang KKKwiz naman na pinangunahan ng AKSIS (AKSyon ISkolar), ang SocSci club ng Pisay ay naging matagunpay. Talagang nagpakita ng husay at galing ang mga kalahok ng bawat taon (ang mga tinatawag na nerdo sa history O_0), pero di rin nagpatalo ang audience, tila'y kinukuyod ng mga bubuyog ang mikropono kapag audience participation na ang palaro, sige ang takbo at hiyawan kapag nauuna ang kanilang kaklase sa mikropono upang sumagot. Naging mga tanong rito ang Pinoy History, Asian at World History, Current Events, Economics at Pisay History. Aba, kung tutuusin, grabe ang mga teams dahil pati ba naman batas na gumawa sa Pisay, batas na nagbago sa kurikyulum ng pisay (RA number nito at pangalan ha), numero ng estudyante, members ng Pisay board of trustees ay kilala rin, kulang na lang yata pati numero ng electric fans, dami ng upuan, dami ng baitang ng hagdanan ay malaman nila.
Hay, Di-Kum na bukas, sana magawa namin ng maayos, kahit di na manalo. Halos lahat yata ng section ay nag-over time para sa practices.
*Pagku-kwento ukol sa napili kong ACLE ay sa isa pang blog post na lang [alibata]*
Tuesday, September 2, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
hi john john! lalim ng filipino mo hah. heheh. i totally agree with you. at least, di tayo nasunog ngayon.
Who knows where to download XRumer 5.0 Palladium?
Help, please. All recommend this program to effectively advertise on the Internet, this is the best program!
Post a Comment