Wednesday, September 3, 2008

Alternative Classroom Learning Experience: Alibata



Naging malaking tagumpay ang Alibata ACLE na itinuro ni Ginoong Leo Emmanuel Castro noong ikalawa ng Sityenbre 2008 sa AVR ng ASTB para sa Linggo Ng Humanidades sa Pisay.

Sinimulan ng tagapagsalita na si Ginoong Castro ang pagbibigay linaw ukol sa iba't-ibang maling akala ukol sa alibata. Una, ito ay pinangalanang BAYBAYIN at HINDI ALIBATA, ang salitang alibata ay gawa lamang ng isang college dean dahil napansin niyang kamukha ng baybayin ang alpabetong arabic at ginawa ang salitang alibata mula sa unang tatlong letra ng arabic alphabet (ali-ba-ta). Sunod, ang baybayin ay hindi alpabeto kundi isang syllabary; ang isang alpabeto ay may mga simbolong kumakatawan sa isang tunog habang ang isang syllabary ay may mga simbolong kumakatawan sa isang pantig.

Umusbong ang Baybayin sa may baybayin ng mga pulo sa Pilipinas. Ito ang naging paraan ng pag-uusap bago pa man dumating ang mga Espanyol. Binubuo ito ng 3 katinig at 14 na patinig+katinig na simbolo. Ito ay may dalawang batas lamang na sinusunod: una, kung anong bigkas ay siyang baybay; pangalawa, kung ang dulo ng pantig ay isang patinig, di ito isinusulat. (gamit ang mga batas, ang salitang 'magsalin' ay magiging 'ma-sa-li'). Ngunit noong naki-alam ang mga dayuhan, di nila lubos maintindihan ang mga salita dahil sa mga nawawalang mga tunog kayat gumamit sila ng 'krus kudlit' sa ilalim ng simbolo upang ang katinig na tunog pagkatapos ng patinig ay mawal at ito'y magin tunog patinig na lamang (di pinapakita sa larawan).

Ang mga simbolong ginamit para sa bawat pantig ay di lamang upang ito'y maisulat ngunit ang mga simbolo ay nagpapahiwatig ng iba't-iba ring ideyalismo: ang 'ba' at 'la'
ay ang simbolo para sa babae at lalaki, ang 'ha' ang nagbibigay ideya sa hinalo o pinagsama, ang ibigsabihin ng 'ka' ay pinag-ugnay. Kaya't kung titingnan, ang salitang BATHALA at BAKLA ay ating maiintindihan di lamang sa salita ngunit pati sa mga simobolong kumakatawan sa mga salitang ito.

Si Ginoong Castro ang kasalukuyang executive director ng Sanghabi, isang non-government organization na naglalayong mapakalat, mas mapagyaman at mapag-aralan ang kulturang Pilipino ng mga tao sa modernong panahon. Sa ngayon, siya ay isang free lance consultant. Siya'y naging kabahagi ng Sanghabi mula pa 1995. Nagkulehiyo siya sa Unibersidad ng Pilipinas sa kurson mechanical engieneer ngunit nag-shift papuntang antropolohiya.

No comments: