Showing posts with label 2010. Show all posts
Showing posts with label 2010. Show all posts

Sunday, August 30, 2009

Dear Maam Shella Paz

hindi ako online sa Ym when the news spread pero nung biglang nag-IM sa akin si Mymy through my cellphone na "Maam Paz :((", bigla akong nabalot ng kaba, takot at pakiramdam na para bang may napakalaking mali na nangyari.

tinanong ko sya "Bakit, aong meorn kay maam paz", when she replied na "She drowned", bigla akong natulala sa harap ng phone ko, i didn't know how to react, a part of myself kept pushing the thought that Mymy is just joking; that such a thing could neven happen. but right then and there, the heavy feeling just kept becoming worse, there was a part of me saying that it is true pero Maam Paz was completely healthy and good noon lang Friday, nag-smile pa nga kami sa isa't isa, peru noong nag-si-sink in na sya, sabi ko sa sarili ko, wala na tayong magagawa kundi tagapin that it was her time.

People might be thinking, na hindi ko naman naging teacher si maam paz, totoo nga pero we came from the same elementary school, Bago Bantay Elem Sch, and that fact made her a big part of my Pisay life.

I still remembered the first time we got a formal kwentuhan session, una, nagtanungan kami about our experiences with Maam Nombre (grd 6 adviser), then she asked me to tell her how my second year life was. So yun, kinwento ko yung mga ewan stuff about Sir Guce, mga kawirdohan nya and peculiar things he do, tapos mga enjoyable / ewan-ewan na pinaggagagawa nya, tulag ng pagpapatayo sa silya kung mali sa recitation or yung "are there any gay cells" ni Micah and other enjoyable at experiences na sa pisay lang nangyari. during that time, she was laughing her heart out, and nahihiya ako dahil parang nilahad ko na yung buong second year life ko sa kanya pero was very proud and happy dahil napa-saya ko sya, yung tawa nya punong-puno ng honesty at tipo bang itinawa na nya lahat ng pwede nyang itawa. Often times nakakapag hi/hello kami sa corridors or very short chats like how are you, or ok ka lang ba or how was today, which was a big treat to me dahil wala namang kaming malaking connection with each other pero parang malaking parte kami ng buhay ng isa't isa.

Ngayon sa 'wala' na si Maam Shella Paz, one thing nga siguro na dapat nating matandaan is that maam paz was never ours, she was GOD's and GOD's alone, pinahiram lang naman sya ni LORD and that kung tutuusin, swerte lang natin dahil sa atin sya pinahiram. And now na binawi na sya, di nga dapat tayo magalit or malungkot dahil she is now in far better place compared dito sa mundong ginagalawan natin.

Some people say nothign about it pero kung titingnan ang huling post ni Maam Shelz sa Facebook "

dead-tired but singing and smiling to the tune of Glass of Water. Chris Martin!!! ♥

"

tapos ang comment

"Oh, sana naman nakapagpahinga ka na. >_<"

di ko alam kung bakit pero it really sent chills sa akin........nakakapangilabot. feeling ko nga noon, did she knew something was coming?


Alam nyo, sabi sa Bible at sa Purpose Driven Life, there is no untimely death, though a lot of us might say na ang bata pa naman ni maam, it was really just her time, yun nga lang, she was there when her time came and so that was her way of leaving us.

But what we all know is that kahit anong mangyari, her memories will be with us as long as we live.

You'll always be a part of our lives, Maam Paz!!

Sunday, October 19, 2008

UNITE: batch 2010 retreat '08 day 2

Ito ang naging pinaka-masaya at pinaka-puno ng blessing na araw sa retreat.

>sinumulan namin sa SOLVING THE PEOPLE PROBLEM I, II at III (STPS)
--->dito, pina-alam sa amin na bawat isa ay may sariling style sa pakikipaghalubilo (D.I.R.T)
--------->DOER (the powerful)
--------->INFLUENCER (the popular)
--------->RELATER (the peaceful)
--------->THINKER (the perfect)

--->dito rin sinabi na ang bawat isa'y may characteristics na maaaring ika-inis ng ibang tao

--->ipinakita ang iba't-ibang ways kung paano mo ipapahayag ang iyong saluobin sa ibang tao
--------->how to convince
--------->how to agree
--------->how to disagree
--------->how to communicate with
--------->how to motivate
--------->relational tips
*kung may time ako, i-po-post ko yung handouts namin...of course, salamt kay A. Jaja*

>Yung games, isang karanasang may kakaibang effect at explanation pala
--------->Minefield game = learning to dicern right from wrong
--------->Tarp + ball game = learning how to work with different people
--------->Tubes + ball game = learning how to work as one, having a strategy
--------->Transfering toxins game = learning how to express yourself, how to hear other people's ideas
--------->Flipping tarp game = learning how to work as one, how to sacrifice for the benefit of all

*the DAY 2 part II and Day 3 will be posted tomorrow*

UNITE: Batch 2010 retreat '08

Sa totoo lang, this day wasn't the kind of day I really wanted it to be...

-------> naging masaya at makabuluhan ang naging talk nina Ate Jaja at Kuya Ivan tungkol sa love sa 'A Portrait Of Love'

----->Binigyan nila kami ng iba't-ibang paraan upang sabihin namin ang aming mga saluobin sa ibang tau sa magagandang pamamaraan:
--->Kung mag-be-break
--->Kung makulit sa guy kahit ayaw talaga ni girl
--->Kung paano maging friends sa ex-bf/ex-gf mo

----->Kung paano matuto sa iba't-ibang ugali ng guys at girls
--->Wag magkaroon ng exclusiverelationship sa HS, frinedships muna (para maging familiar sa gusto ng opposite sex)
--->Matutong umintindi sa isa't-isa
--->walang "Love at first sight" ... ang meron ay "Crush at first sight"
--->True love goes through good and bad times ....... Crushes only go through (or tend to survive only through) good times
--->True love endures differences ....... Crushes tend to be broken easily by struggles




-------> Hindi ko na-enjoy ang activities ng batch noong gabi:

----->Ang gusto ko lang ay yung Human Bingo kaso nga lang ay sobrang personal kaya't kaonti lang ang nagseryoso
----->Hindi tama ang 'dares' duon sa Giant Board Game:
--->Yung Surpanakha scene -- medyo indecent compared sa true mission vision ng camp
---> Yung pinagawa kina Don sa pagkain ay di rin tama
---> Yung ginawa ni Franco D.R. ay talagang hindi karapatdapat gawin

*Ang pinuntahan natin ay isang camp for us to grow spiritually at hindi isang wild party*
*pati si Fr. Mon ay nailang sa mga pinaggagagawa ninyo....promise*

Wednesday, September 3, 2008

SIGAW! Piece

KAMULATAN

Ia.
Pakiramdan mo ba
Na ligtas pang lumabas
Bawat araw na dumadaan
May isa pang nasasaktan

IIa.
May batang naulila
Sa kanyang mga magulang
May sundalong di makabalik
Sa kanyang tahanan
At may isang pamilyang
Wala pang laman ang t'yan

IIIa.
Mga SONA-ng di natutupad
Pakinggan mo man
Walang patutunguhan
Bayani ng bayan
Sumusuntok na lamang
Kuraps'yon sa lipunan
Di na ba malulunasan

Chorus:
Di kailangang maghintay
Ng gumawa ng paraan
Di dapat isisi sa iba
Ang sa atin nagsimula
Kaya di dapat umupo sa tabi
Ikaw mismo ang mag-umpisa
Ang pagbabako'y sa atin magsimula

Ib.
Napapansin mo ba
Pagbabago sa mundo
Kalagayan na lumalala
naghihirap na ng husto

IIb.
Mga bayang nag-aaway
Pula na lang ang kulay
Mga batang nadadamay na
Inagawan pa ng buhay
Marami ng problema
Dumaragdag ka pa

IIIb.
Nagreklamo, walang ginagawa
Sarili mo'y tingnan
Di ka ba nakokonsensya
Mga away sa pera
Dinadaan sa giyera
Sariling kasalanan
Di na ba matatakasan

Chorus:
Di kailangang maghintay
Ng gumawa ng paraan
Di dapat isisi sa iba
Ang sa atin nagsimula
Kaya di dapat umupo sa tabi
Ikaw mismo ang mag-umpisa
Ang pagbabako'y sa atin magsimula

Bridge:
Idilat ang iyong mga mata
Di mo ba nakikita
Ang mga taong
Umiiyak (umiiyak)
Nagsusumamo
Nagdurusa
Sa iyong harapan

IIIa.
Mga SONA-ng di natutupad
Pakinggan mo man
Walang patutunguhan
Bayani ng bayan
Sumusuntok na lamang
Kuraps'yon sa lipunan
Di na ba malulunasan

Chorus:
Di kailangang maghintay
Ng gumawa ng paraan
Di dapat isisi sa iba
Ang sa atin nagsimula
Kaya di dapat umupo sa tabi
Ikaw mismo ang mag-umpisa
Ang pagbabako'y sa atin magsimula

Chorus:
Di kailangang maghintay
Ng gumawa ng paraan
Di dapat isisi sa iba
Ang sa atin nagsimula
Kaya di dapat umupo sa tabi
Ikaw mismo ang mag-umpisa
Kapayapaa'y sa atin magsimula

Monday, September 1, 2008

In-Humanities Week...Seriously (1st day)

Ang Linggo Ng Humanidades (H.W.) ay isang pangyayari sa Pisay na inaantabayanan ng lahat, mula sa Conan at Kilos Awit ng Freshmen, Katutubong Sayaw ng Second Years, Di-Kumbensyonal Na Musika ng Juniors at Sayaw Interpretasyon ng Fourth Years, pero mukhang pumalya kaagad ang Pisay sa pangyayaring ito at marami ang nagdusa para dito.

Una, hindi naging masaya ang mga estudyante sa kakaunting concessionaires kaisa dati, nawala raw ang Zagu, ang top stall kapag merong special events sa Pisay. Naging boring daw ang lunch dahil wala na raw silang mga stalls na pipilahan ng mahaba (seryoso ito, tanungin nyo pa sila) at yun namang ayaw sa mahahabang pila ay mas nainis dahil mas nag-uunahan ngayon ang mga taong pumila.

Ikalawa, ang pagiging OA ng COCC (advanced state ng CAT) sa mga estudyante, ayun pa sa isang kaklase, naging walang kwenta raw ang games ng H.W. dahil sinakripisyo raw ng COCC ang fun para sa organization. pinilit nilang paghintayin ang mga estudyante sa mainit na oval ng mahigit kumulang 2-3 oras ng hindi pinapayagang pumunta kahit saan man. Naging batas nila ang pagpayag lamang ng isang tao bawat batch (240 katao bawat batch) ang makalabas at bumili/umihi/etc. Isang reaksyon ng mga estudyante ay kung bakit kinailangang umupu ang mga ito sa nakakasunog-balat ng init ng araw ng 2 oras habang nasa lilim ng mga gazeebo ang mga COCC habang nagbabantay.

Naging tingin ko at ng ibang estudyante ang pagiging walang konsidirasyon ng COCC sa mga taong madaling mahimatay, may low-blood pressure at madaling dumugo ang ilong (isa na ako sa mga ito). Marami sa mga estudyante ang nakaranas ng matinding pagkahilo, pagsakit ng ulo, paglabo ng paningin at sabi ng iba ay 'pre-heat stoke syndrome ' ang nangyari. At nang ang inyong lingkod ay pumunta sa klinika upang humingi ng gamot sa sobrang pagsakit ng ulo at pagkahilo, sakita kong humigit 20 katao na ang pumunta sa klinika dahil sa pare-parehong mga sintomas, sabi ng nurse ay marami daw sa mga estudyante ang nasobrahan sa init ng araw at di raw mailabas ang nasagap na init na nagdudulot ng mga nasabing nararamdaman. Para sa akin, naging pabaya ang COCC sa health ng mga estudyante, lalo na sa may mga kakaibang reaksyon kung masyadong mainitan