Sa pag-pasok mo sa una mong taong sa Pisay, na ngangapa-ngapa ka pa sa dilim: di mo alam kung saan sa pupunta kapag lunch na, kasi di mahulugang karayom ang cafeteria, di mo pa kilala ang mga classmates mo, ni ang pasikot-sikot sa loob at labas ng mga gusali eh di mo rin saulado. Tapos, yung mga teachers eh mukang suplado't suplada.
Tapos, pagkatapos ng ilang linggo, yung datin di makabasag pinggan na klase, eh halos batuhin na ng pinggan ng mga teachers kasi sobrang daldal na, kung dati, kapag lunch eh para labo-labo kung saan kayo kakain magisa, ngayon, para na kayong malagkit na kanin / mga molecules ng isang solid na sobrang compact / parang isang colony ng Pandorina (colonial plant-like protist) na mamatay kung may isang mawawala. Ang dating teachers na kina-tatakutan mo eh ka kwentuhan mo na at parang dabarkads mo na!
highlights siguro ng buhay first year eh yung Humanities Week, kasi mag-pe-perform kayo ng sayaw na lahat ng mga nakaraang freshmen ay pinag-daanan, ang initiation mo para masabi mong Pisay freshman ka, ang CONAN (galop, galop, galop piont) (pink at voilet ang suot ng Garnet noon, sa field kayo sasayaw at malas lang namin, maputik noong oras na yun). Masaya rin ang Frepies (freshmen plays), bibigyan lang kayo ng theme at kayo na ang bahala kung paano nyo ito i-i-interpret, tapos kailangan nyo pang mag-practice sa bahay ng kaklase nyo (kami nga eh, nanuuod muna ng dalawang movie bago magsimula, tapos mga 2 weeks behind kami noon ha). Siguradong tatatak sayo yung mga sigawan dahil walang nakikinig kay Direk, ang mga tawanan kapag mag nagkakamali at ang sandamakmak na takes nyo per scene kasi di talaga ma-perfect. Ang mga awards na pwede nyong matanggap (nanalo kami!!! Best Director (kahit di halos wala namang magawa ang male Direk namin.....peace lang po tayo) Best script, Best script writer, Best actor at supporting actor at BEST PLAY).
Di rin malilimutan ang mga Hell Weeks, yung huling linggo bago mag-periodical exam, kapag bugbug sarado kayo sa mga long tests, pahabol na projects at requirements; kapag lumalabas kayung mag-ba-barkada pagkatapos ng Perio Week. Ang mga teachers na may special abilities at charisma sa mga estudyante: si Sir Delfin Angeles (EarthSci and Physics) na kayang mag drawing ng perfect circle, si Ma'am Salac (math1), ang singing math teacher ng 1st year, si Sir Joey at Ma'am Sanchez (english at filipino respectively) na talagang napapalapit sa mga students nila.
Wednesday, August 27, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment