Ayon kay G. Jose Raphael Antinio Ruivivar Flores, isang guro sa Ingles, at isang eye witness, ang mga cubicle lamang na malapit sa mga bintana ang nabuhay mula sa sunog. Ayon din sa kanya, na-concentrate ang apoy sa lugar ng mga cubicle nina Gng. Aguila at G. Vlad ng Filipino at SocSci unit.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sa totoo lang, di ko talaga maisip sa mangyayari ito sa Pisay (kung kelan malapit na rin ang Perio). Sana nga, nangyari lang ito dahil sa pumutok na circuit (dahil nakakatakot kung sinadya ito).
At isa pa, mali ang binigay na report ng dalawang malaki (at nag-aaway) na estasyon. Sabi ng GMA-7, classroom daw ang nasunog....malaki naman siguro ng CLASSROOM sa FACULTY ROOM diba. http://www.gmanews.tv/story/123876/Fire-hits-classroom-of-school-in-Quezon-City# . Sabi naman nung isa, pati Registrar's Office ay natupok....HINDI PO...MUNTIK LANG. DI ba nila iniisip ang naging panic naming mga estudyante dahil natupok ang registrar's office (eh mali naman pala). Tsaka, di ba nila kayang i-verify kung tama yung mga pinagsasabi nila!!! http://www.abs-cbnnews.com/nation/metro-manila/09/30/08/fire-razes-pshs-classes-suspended . Eh paano na kung marami napala kayong binigay na maling ditalye, kung di ako nagkakamali eh pwede kayong makasuhan. (Kung tuuusin, kung kamipang mga estudyante ng Filipino Journalism ang nag-cover eh baka mas-precise pa ang naging report namin).