*unang-una, "bato bato sa langit ang tamaan huwag magagalit"*
~~Isa itong reaction sa mga taong labis akong sinasaktan dahil sa kanilang mga sinasabi~~
Kaka-ACTS ko lang kanina at malaking syang tama sa akin......paano b nman, HONORING YOUR PARENTS ang usapan......eh tagilid ako sa bagay na yan pero grabe, nahimasmasan ako kanina.....basta, hindi lang kasi ako ganun ka-open sa parents ko. Anyways, 2nd ACTS Fellowship ko na at ang sarap talaga sa feeling, kahit sabihin mo ng late kang umuuwi at pagod ka, napaka-light ng feeling, yung tipong pwede nang mangyari ang lahat sa iyo kasi ang saya ng feeling. Yung alam mong may makaka-usap ka kapag may problema, may sandalan ka sa times of sadness, may ever ready friend at kung anu-ano pa.
Since birth, in-expose na ako ng parents ko sa church at sa gospel, kung di nga ako nagkamali, parating bible stories pa noon ang bedtime stories ko eh. Noong bata pa lamang ako, naging malaking part na ng buhay ko ang pagdarasal, pagpunta sa church, pagsali sa activities nito etc, nagkaroon din ako ng mraming kaibigan, kaya hindi sa akin alien ang Bible, ang evangelism and etc.
Naging super rooted ako sa faith ko dahil maraming pinagdaanan, pinagdadaanan at (sigurado akong) pagdadaanan pa ng pamilya ko. sabi nga ni Mymy (paraphrased version) "Matuwa ka pa kung tinetemp ka ng demonyo kasi ibig sabihin noon, malaki ang trust kay Lord at gusto ka nyang makuha [pero imposible yun, si Lord ang kalabanin nya eh], dahil kung wala, ibig sabihin noon, kasama mo na sya, friend mo na sya" ito ang isang statement ng friend ko na naging malaki ang tama sa akin.
Ang nakakapagtaka nga lang, kung magtatanong ka ng mga tao; sa mall, sa palengke, kahit sa kalye lang, kung naniniwala sila sa Diyos at kung may pananampalataya sila, 'Oo' ang sagot nila. Pero nung pumasok ako sa Pisay, may mga tao akong nakilala na either walang pinaniniwalaang religion or totally hindi naniniwala kay Lord, aethist ba? (Hindi na ako magbabanggit ng mga tao, pero alam kong kilala nyo kung sino kayo kung binabasa nyo ito) sa totoo lang, nasasaktan ako dahil tumatak sa akin ang kinwento sa akin dati, na kung mamamatay ka at during the time of Judgement, nakapatong sa ulo mo ang dugo ng mga taong malapit sa iyo na hindi mo na-share-an ng Word Of Christ, kaya kaming tatlo nina Mymy at Mirko, ay malaki ang kagustuhan sa ma-touch ang hearts ng buong batch at sana ng buong Pisay community, sabi nga, NOTHING IS IMPOSSIBLE WITH THE HELP OF THE LORD.
Ang sa akin lang naman eh hindi ba nila naiisip kung bakit sila nakakagising bawat araw, kung bakit meron silang pagkain sa araw-araw, kung bakit sila nakapasok sa isang prestigious school tulad ng Pisay, kung bakit tayo biniyayaan ng katalinuhan. Ang akin kasi eh dapat lang nating gamitin ang ating God given talents and treasures for the greater glory of the Lord, isa lang ito sa maraming paraan para maipakita natin na tayo'y nagbibigay pugay sa Kanya. And besides, nasa Bible that we should glorify Him and evangalize. Para doon sa mga hindi naniniwala sa Bible dahil gawang tao lang daw ito at hindi perpekto ang tao therefore may mali o baka false ang Bible, ang sasabihin ko lang eh these people who translate and rewrite the Bible are filled with the Holy Spirit for the guidance of the Lord, yun nga lang, sabi sa "Something Nice To Read" kong post, it is our faith that binds us to the Lord or even the scientific facts. sabi nga sa akin noon, the Lord has a purpose for everyone and he even take us away from this world kahit isang pitik lang.
Nakakalungkot kasi at nakakatakot kung ang mga malalapit mong kaibigan ay hindi mo ma-share-an at hindi ma-accept si Jesus as their Lord and Saviour. Isipin mo lang, nandoon ka sa harap ng Panginoon at pagtingin mo nga sa sarili mo, may bahid ng dugo ang iyong puting damit ng dugo ng iyong mga kaibigan at patingin mo sa ibaba ay nandoon sila't sumisigaw kung bakit hindi mo sila nasabihan tungkol sa Magandang Balita ng Diyos. Yun ang inspiration, motivation ko sa kagustuhang ma-reach out ang aking mga kaibigan upang makilala si Jesus at magkaroon ng intimate relationship with Him.
Ang plano ko eh maging magandang testimony ang mga buahy namin upang mabuksan ang mga "mata ng mga puso" ng mga taong ito at malaman ang katotohanan.
Sorry kung sa tingin nyo'y hindi ko 'defend' o na 'prove' ang points ko, nasasayangan lang kasi ako sa mga taong ito at sa mga buhay nila kung hindi naman nila magagamit to the fullest.
Thursday, October 30, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment