After naming maglaro, nagkaroon ng batch pic, ang nakakatawa rito eh saksakan ng init at lahat kami ay requiredisuot ang BLACK na batch shirt or anything black, ayun, pinagpawisan kami to the max.......sayang nga lang eh after noon, di na natuloy ang jamming session namin pagkabalik ng Uriel, well ako lang yata ang naiwang di nakasama........ahuhuhuhuhuhu.
Sumunod ang Palanca Letter giving, sa totoo lang, di ako nag-e-expect ng ganun kadaming Palanca, pagkabukas ko ng envelope, inihiwalay ko kaagad ang letters ng parents ko, dahil alam kong mapapaiyak ako. Una kong binasa ang kay Joker, di ko nga inaasahang bibigyan nya ako, sa totoo lang, napapaluha na talaga ako noon, di kokasi akalaing ganun kalaki ang naging effect ko kay Joker, sa totoo nga, na-gi-guilty ako't di ako nakagawa ng palanca sa mga tao, nagsisisi talaga ako. Sumunod ang kay Franco, noon anu di ko nga malaman kung kanino, pero nakuha ko rin nung nakita ko yung signature nya, talagang nakakatuwa, next ang trio nina Hanna, Ianne at LC, hindi talaga ako nag-e-expect na maluluha ako pero ganun din. Pagkabalik ko ng cottage, dumiretso ako ng kama, nagtalukbong at tsaka binasa ang mga letters ng parents ko, di ko talaga ma-explain kung gaano ako natutuwa sa kanila, kahit may katigasan ang ulo ko, pasaway ....... talagang naamdaman ko angpagmamahal nila, kulang na nga lang, humagulgol ako.....joke pero talagang tinamaan ako.
After ng lahat, nagkulitan na naman kami sa room, tapos 3 beses kaming sinita ng teachers dahil ang ingay daw talaga namin, pero nung tulugan time na, di ko pa rin malimutan yung mga pinagsasabi nila sa mga palanca, at ako'y lubos na natutuwa't na-a-appreciate nila ang efforts ko.......at naging mabuting kaibigan.
Nuong 3 day na, wala naman sigurong mahahalagang things na nangyari maliban sa Praise and Worship naming 'The Others' or 'Non-catholics (NC)'. naging blessing sya talaga. Sumunod eh yung di ko malimutang stroll namin nina Christian, Mirko at Mymy, nagulat nga ako dahil tinanong kami ni Christian ng pagkakaiba ng religions namin, at ang masaya, dahil sa urge at pagsisimulanya,nagawa naming ma-share-an sya ng gospels, di nyo lang alam kung gaano kasaya ang feeling sa may na-share-an kami, sabi nga naming 3 NCs [mirko,ako,mymy] na maraming salamat kay Lord at nagawa naming masabihan si Esguerra, at sabi pa namin, di kmia titigil hanggat buong 233 pa ng buong 2010 batch at buong Pisay community ang ma-share-an namin, sana eh magawa ko rin ma-share-an sina Izo, GianPando at Isma, dahil 3 taon ko na silang kilala at nasayang iyon dahil di pa ako ready at di pa ako sigurado, ngayon at nagawa namin sya kay Christian, nanghihingi ako kay Lord ng strength at power na ma-strat ma-share-an ang tatlong taong naging malaking parte na ng buhay Pisay ko
Tuesday, October 21, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment