Kahapon, mga 10:00 pm na ng gabi, lumabas ako ng bahay para mag-pa-print ng lyrics for ACTS, tapos pagkapasok ng sa isang computer shop, ala eh, hindi mo aakalaing gabi na.....punong-puno parin sila ng bata......puro naglalaro ng RO, DotA, Flyff, MU etc. Bigla tuloy akong napa-isip, hindi ba hinahanap ng mga magulang nila ang mga batang ito? Tapos, mamayamaya, may batang sumigaw "Hoy! Laro tayo bukas, mga 6 ha!" noong una, akala ko 6 ng gabi...aba, after non, may sumagot "Bakit, hindi ka ba pwede ng Alas-cinco ng uamaga!?" aba, sigurado akong hindi ako nagkamali ng dinig...... wala na yata sa bukabularyo ng mga batang ito ang 'pagkain', ang 'pagtulog', 'pag-uwi'??
Siguro pwede ko pang maintindihan dahil SemBreak ng karamihan pero, dahil matagal na akong nagpiprint sa mga shops, kait umaga, tanghali o gabi man yan, maging weekday, sunday, monday, tuesday, today man o tomorrow, pare-pareho ang mga mukha ng mga batang nakikita kong nakaupo sa mga computer tables... nung tinanong ko ang caretaker ng shop, ala, saulado na nya kung sino ang mga parokyano nya, anong mukha, anong pangalan, at take note...kung sino ang magbabarkada, magkakapatid etc....pwede mo na nga syang pagawin ng "connection tree" dahil parang bahay na ng mga bata ang computer shop. Nung huling page na ang piniprint, biglang bumulyaw ang caretaker, "Hoy! Yung bata sa computer 9, mag-pipitong oras ka na!! mag-e-extend ka pa ba!?!?!" at ofcourse 'oo' ang sagot ng bata.
Ang iniisip ko lang, paano pa sila nakakapagaral?? Dati nga eh, dumadaan ako ng computer shop bago pumuntang Pisay kasi nag-papaprint, alas-sais noon ng umaga at punong puno kaagad ito ng mga estudyanteng naka-uniform pa.
Kawawa naman ang kanilang mga magulang na nagpapakahirap sa pag-tratrabaho para mabigyan ng baon ang kanilang mga anak, sinasayang ng mga batang ito ang chance nilang makapag-aral at mai-ahon ang kanilang mga pamilya sa kahirapan. At ngayon, winawaldas lamang nila ang pera na kung saan ibinuhos ng mga magulang ang kanilang dugo't pawis...sabi nga ng tatay ko "Hindi tayo tuma-tae ng pera kaya ingatan nyo yang ibinibigay namin sa inyo....OK lang naman kung ubusin nyo yan basta't SPEND WISELY".
Nasasabi ko ito dahil alam ko ang hirap na dinadanas ng ilang bata para lang pumasok kahit di man kita sa anyo ko....dati, kinaylangan kong pumasok kahit pwede na akong mahimatay sa lagnat dahil idinikdik sa utak ko ng mga magulang ako ang totoong gamit, advantage etc ng edukasyon. Dati rin, kinaylangan kong maglakad mula Pisay hanggang bahay namin sa Project 8 dahil naubos ko ang budget ko kahit di pa katapusan ng linggo. Naiukit sa utak ko ang kahalagahan ng budget dahil ang 1,500 na natatanggap ko buwan-buwan ay kung saan ako kuhukuha ng pambili ng school supplies, pamasahe, extra expenses etc at hanggat kaya ko, ayoko sanang humingi ng pera sa parents ko dahil mahirap talagang kumita ng pera.
Kaya't sana, mabasa ito ng marami pang tao...sana mga estudyante at ma-appriciate ang sakripisyo ng parents nila para lang makapasok sila sa paaraalan
Wednesday, October 29, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Wow naman... saludo ako sa iyo tsong! Sana maraming bata ang matuto sa prinsipyo mo... Pero in fairness, ang taray mo!
Smilezzz :D
Post a Comment