Sunday, October 12, 2008

Lord's Garden (SIBOL Camp 2008 sa Calamba, Laguna [April 1-5])

Mahigit anim na buwan na rin mula ng sumali ako sa Sibol Camp sa Lord's Garden...at ngayon, sa tingin ko, mas gugustuhin ko pang manatili na lang doon. Kahit na sabihin nyo pang madalang ang cellphone signal, walang computer o TV man lamang, dito ko naramdaman ang pagiging close ko kay Lord. Sabihin nyo mang corny ako, o nagpapaka banal, totoo lahat ng sinasabi ko; di nyo lang kasi alam lahat ng mali kong ginagawa.

Kung tutuusin, pinilit lang ako noon na sumali sa christian camp na sinasabi ko, namilit nga lang din ako ng mga makakasama para hindi ako ma-Out-of-Place. Nung simula nga akala ko pumasok ako sa inpiritwal na 'bahay ni kuya', aba, may scheldule kayo, may oras ng pagkain, paglalaro at pagtulog, pero para sa akin, naramdaman ko yung closeness naming dalawa dahil sa limang araw ko sa Lord's Garden. Naging malaking tulong sa akin pati yung mga taong nakilala ko rito: si Kate ang kasama ko sa SG at buddy-buddy ko sa lokohan, sina Elah, Grecelle, Melvin, Jeremy, Ejay, Jake at lahat ng iba pa (sorry kung limot ko ang mga pangalan nyo, sana patawarin). Yung mga kwentuhan bago matulog at mga laro.

Sina Ate Bibang at Kuya Matt naman ang Big Sister at Brother namin. Naging mas close siguro ako kay Ate Bibs, kasi nakaka-connect sya sa mga thoughts ko at pati sa mga pamilya namin, halos pareho kami ng pinagdadaanan [ayon sa aming dalawa]. Yung talk ni K. jeff tungkol sa bagay na ito ang mas nagtulak sa akin na kilalanin si Ate Bibs, sayang kulang sa oras, dahil ang dami ko sanang gustong itanong sa kanya. Si K. Matt naman ang jester ng grupo, ang 'nagpapa-high' sa amin kapag inaantok at lugmok kaming lahat.

Naging isang masayang Small Group kami dahil sa iba't-ibang chores na binibigay sa amin...yung paghuhugas namin ng sabay-sabay ng mga pinggan, baso, kawa/kawaling malaki, pag-aayos ng mga pinagkainan.

Naging best day sa akin yung 'monk day' namin... eto yung araw kung saan mula pagkagising hanggang pagtulog sa gabi, bawal makipag-usapsa ibang tao. Dito sa amin pinakita ang tunay na pagmamahal ni Jesus sa amin, dito sa amin tumatak ang ginawa niyang sakripisyo. Kung natatandaan ko pa...bigla kaming ginising noon mula sa siesta isa-isa at binigyan ng puting cloth na nadumihan ng putik [ito'y ginamit namin, duon namin ipinunas sa puting cloth yung dumi ng kamay after ng isang activity], tapos bigla kaming kinaladkad papasok ng main hall, dito, hinatulan kami ng kamatayan dahil sa mga sins namin, bigla kaming pinaupo, isa sa amin ang ipapako na sana, pero, lumapit ang isang tao at sinabing siya na lang, dito, bigla akong tinamaan, binalikan ko lahat ng masasamang bagay na nagawa ko, talagang napaiyak ako noon, dahil iniisip ko kung gaano kasakit ang dapat Niyang lampasan para sa akin, dahil kung ako yung nasa krus, hindi ako makatatagal. Hindi ko lang ma-describe kung gaano ako nalungkot dahil sa sarili ko at kasaya na may lumigtas sa akin; honestly, nainis ako sa ibang bata doon sa hindi seneryoso ang pagkakataong iyon, dahil sa totoo lang, sapul na sapul talaga ako sa mga pangyayari. Pagkatapos noon, pinabalik kami sa kuwarto at ako, dahil lubhang tinamaan, umiiyak pa rin ako.

Na-mi-miss ko duon ang ambiance kung saan pwede ka talagang makapag-concentrate sa Lord at pagnilaynilayan ang mga bagay. Duon, nagagawa kong makapag-QuietTime para makausap si lord, ngayon kasi, masyadong hectic ang buhay. kung bibigyan nga ako ng pagkakataong bumalik doon, kukunin ko, dahil ang feeling ko, ang physical & mental vs. spiritual maturity ko ay di tugma, marami pa akong dapat pagdaanan.

I-i-is-stress ko talaga na sana, sa darating na Retreat sa Oct 17-19, sana maramdaman ko ang naramdaman ko sa Lord's Garden, dahil, kung pwede nga lang doon na mismo tumira, gagawin ko, hindi ko kasi masabi / maipaliwanag ang feelign ng na-be-bless ka sa place na iyon.

Lahat nga siguro ng kailangan mo para magkaroon kayo ng special quality time ng Lord, nandoon na: ang mga taong makatutulong sa'yo, ang peaceful sa lugar, ang naka-re-relax na ambiance at isang grupo ng mga staff lalo ng mga kaibigan na tutulong sa iyo.

*Special mention ko siguro sina Mia, Elah, Grecelle at Melvin dahil ipinakita nila sa akin ang iba;t-ibang buhay ng isang Kristiano: Buhay Pastor's Child, Buhay OP sa ibang friends, Buhay Left Out dahil sa church works, Buhay Hirap at Dali ng isang Christian, ipinakita nila, at naging kontento ako sa buhay ko, dahil sa school, merong mga taong nakaiintindi sa kalagayan ko at di ka i-no-OP dahil sa relihiyon mo..........basta, sana maging kasing laking blessing, kundi man ay mas malaking blessing ang Retreat sa Sibol camp*

No comments: