Thursday, November 27, 2008

ACTS and STUFF

Well, spiritually high na naman ang inyong lingkod, kasi kakatapos lang ng Cell Group namin kanina tapos ACTS pa right after. Nakakalungkot nga lang dahil hindi ako masyado nakikinig sa C.G. kasi inaantok ako (sori Ate Rose). Ang saya naman ng ACTS kanina kasi ang speacher eh si Kuya Dave, nakilala ko na sya dati sa Sibol Camp ng ISCF/IVCF. Ang topic nya kanina eh kung bakit sa kalah-lahatan ng mga taong pwedeng pagsabihan ng Good News eh shepherds pa....isipin mo, bakit hindi nalang yung mga priests, or scribes or elites diba?? yun pala dahil si Lord ay isang Good Sheperd din.......dahil kung iisipin natin, ang imahe ng mga shepherds noong Bible time eh mga taong hindi mapagkakatiwalaan at mga taong isa sa may mabababang social status sa lipunan. Pero, kahit ganoong sila, sila ang mga taong nakikita ng mga bagay na nangyayari sa paligid dahil ang iba'y masyadong busy......also, meron silang yung tinatawag na "A Shepherd's Heart".

Ang isang taong may Shepherd's Heart ay isang taong willing ibigay ang whole self nya para sa mga inaalagaan nyang ''sheep''. Sabi nga ni Kuya Dave, swerte nga tayo dahil si Jesus na ang sumalo ng lahat ng parusa, at dahil mercyful sya, pati enemeies at mga taong ayaw sa kanya ay disidido syang ma-reach-out, at dapat, ganun din tayo. Isa rin eh dapat, willing din tayong sumunod sa Kanya.

Basta, mahaba na ito, mahal na (bakit tawag ba ito)........inaantok na rin kasi ako eh.......bukas na lan......FAIR!!!!

No comments: