Kaninang 3:00pm, pumunta kaming mag-ina sa GCF Church (Greenhills Christian Fellowship) sa likod ng Robinsons Ortigas, nanood kami ng Emmanuel: Celebrating Heaven's Child.
Nakakatuwa dahil ang gagaling ng mga solowista at nagkita ulit kami nina Ate Lilet at Hannah Mastalero, mga dating taga-FBC. Nakakatuwa't nakita ko si Ate Lilet na kumakanta. Ang galing nga kasi yung isang malaking CHRISTmas tree nila eh stage pala ng Chancel Choir. Basta, ang galing.
Nabalik rin nila sa puso ng mga nanood ang tunay na ibig sabihin ng CHRISTmas, kaya nga tayo nagkaroon ng gift giving dahil si Lord mismo ang nagbigay ng napakalaking regalo sa ating lahat, si Jesus Christ, kung wala ang regalong ito, eh di dapat, kinailangan pa nating isa-isang magbayad ng mga kasalanan natin, eh dahil si Jesus na ang namatay sa cross para sa ating lahat (AND THAT'S ONCE AND FOR ALL NA) (1peter 3 : 18a "For CHRIST died for our sins, once for all, the righteous for the unrighteous, to bring us to God."), matatamasa na natin ang Everlasting Life with Him kung tatanggapin lang natin si Jesus as our personal Lord and Savior.
This CHRISTmas season, mas mag-po-post pa ako about this topic..........yung lang
Saturday, December 6, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
actually hindi ito tungkol sa post mo na "EMMANUEL: Celebrating Heaven's Child" kasi nahalata ko lang na parang ang dami na ng mga kino-quote mo sa akin ah! ... intellectual property rights! magbayad ka!
Post a Comment