Wednesday, December 24, 2008

CHRISTmas Time Na Naman

December 25 na naman therefore Pasko na naman, pero alam nga ba talaga natin ung bakit natin hinihintay ang panahong ito??

Kagabi, habang naglilipat ng channels ng TV, ang dami kong nakikitang mga movies na di umano ay ipinagdidiwang ang CHRISTmas pero, halos lahat ng mga nakita ko eh palabas tungkol kay Santa Claus, sa pamimigay ng regalo, sa kabaitan.......bla bla bla, oo maganda nga't naipapakita natin ang sense of giving and sharing your blessings and all that pero halos wala na yatang nagpapalabas ng nativity story, ang totoong rason kung bakit may Pasko.

Nakapagtataka rin kasi ngayon, parang takot na takot tayong sabihin ang pangalang Jesus o Hesus, sa mga palabas, sa mga commercial, ang sinasabi eh "Siyang ipinanganak sa sabsaban" o "Ang pinanganak sa unang Pasko", hindi ba natin ito masabi, ang pangalang ng nagligtas sa ating lahat. Wala lang kasi ang wierd, ang nasa utak na lang ng karamihan ng mga tao eh si Santa Claus, ang regalo ang mga mapamamaskohan, pero kaya nga tayo nagbibigayan ng regalo eh dahil si Lord mismo ang nagbigay sa atin ng isang napakalaking regalo......si Jesus nga pero kapag CHRISTmas eh iba ang nasa isip natin. Sana naman, bumalik sa puso't isip ng mga tao kung ano talaga ang totoong rason kung bakit tayo nagsasaya

No comments: