Monday, September 8, 2008

My Reality

Hay, balik na naman tayo sa riyalidad ng aking buhay...balik na naman sa pag-aaral, pag-ka-cram, sa pagpupuyat et al. (tao ba ang mga yan). Sa totoo lang, kung i-ga-graph mo ang dami ng brain cells ko (sa left at right side ha) mula noong saturday hanggang ngayon, isa s'yang quadratic function: f(x) = -10 (X*squared* + 10) +10 ... grabe, sabi nga ni Hanna, kung bangag ka, bangag ka talaga, wala kang magagawa.


Uunahin ko nang mag-rant (medyo lang naman...at usually, kasalanan ko rin). Ang Bio LT, well, sa totoo lang, caught unprepared ako, akala ko kasi Miyerkules ka yun (hay juan-juan, yang tenga mo ah, marami nang tutule), medyo madali lang naman, pero medyo stressful din, unahin ko yung ATHEROSCLEROSIS + ARTERIOSCLEROSIS = ARTHERIOSCLEROSIS (epal lang talaga), tapos nakahihilo rin nung i-a-arrange mo according sa isang buong respiratory cycle. Wala lang.

Isunod ko na yung Chem, well, medyo malabo ang chem sa akin ngayon, tapos di rin ako ganun ka productive kung time pressured, kaya medyo tagilid ako din hehe. Yun lang naman, bored ako eh.

No comments: